NATHALIE DAGMANG
Padala
Minsan ay hindi na tinutukoy ng mga migrante kung para kanino ang bawat isang bagay na ipinapadala nila sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Ang kani-kanilang pamilya ay magbubukas ng mga kahon na may magkahalong damdamin. Minsan, ito ay may bahid ng saya, kung minsan nama’y pagkabigo. Ang mga pinapadala nilang regalo ay hindi lamang nagbubuklod sa kanilang mga pamilya, kundi ito rin ay maaari ring makagulo ng mga relasyon.
Sa artwork na ito ay ipinagbuklod ang mga regalong pinadala ng mga migrante sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang iba ay nanggaling sa aking tiyahin na nagtatrabaho bilang isang nars sa United States at ang ilan naman ay mga padala sa aking kaibigan ng kanyang pamilya na ang karamihan ay binubuo ng mga migranteng manggagawa.
Ang mga Pilipino ay pang-sampung pinakamalaking pangkat ng mga migrante sa United Kingdom mula sa labas ng Europa. Humigit-kumulang na 220,000 Pilipino ang naninirahan sa UK. Karamihan sa kanila ay mga Briton o mamamayan na may estadong leave to remain at marami sa kanila ay mga propesyonal, nagtatrabaho bilang mga inhinyero, mga tagapamahala, at mga akademiko, pati na rin ang mga nagtatrabaho sa sektor ng pangangalaga.
Ang mga kalahok sa proyekto ay mga pangunahing nagtatrabaho sa sektor ng pangagalaga at mga manggagawang pantahanan na may pansamantalang “visa” sa trabaho. Sa London, ang mga palikurang hardin na may kamalig ay ginagawang pansamantalang tirahan para sa mga taong may limitadong napagkukunan na ang katayuang imigrasyon ay pumipigil na makamit ang mga benepisyo ng estado. Mula sa kama at kamalig, ang mga taong ito ay nanahan at pinangalagaan ang kanilang mga adhikain at puhunan, pinagsisikapan na bumuo ng mga pangarap para sa kanilang mga sarili, at kanilang mga pamilya sa UK at sa Pilipinas.
Pindutin ang mga imahe
Itong mga bulaklak na gawa sa papel ay nilikha ng mga miyembro ng Filipino Domestic Workers Association para sa exhibition na Beyond Myself sa London. Ang mga bulaklak ay naglakbay bilang bahagi ng exhibition sa Manila at Hongkong.
Ang arko ng mga bulaklak ay ginaya sa mga bulaklak na ginagawa para sa prosesyon ng mga santo sa Pilipinas, at sa pagdiriwang ng tag-sibol at tag-araw sa UK na makikita sa pelikula ni Nathalie Dagmang na Dios te Salve.
Ang mga nagtatrabaho bilang domestic worker ay dapat manirahan sa bahay ng kanilang mga employer sa kadahilanang sakanila nakatali ang kanilang paninirahan sa ibang bansa. Sa kanilang mga araw ng pahinga, ang mga Pilipino ay lumilikha ng mga espasyo para sa pahinga at pakikiisa sa labas ng bahay, sa mga lugar na pampubliko. Sa loob ng bahay ang kanilang walang tigil na pagtatrabaho at masinsinang paggawa ay nakatuon sa mga tao at sambahayan sa ibang bansa.
CLICK ON ANY IMAGE
Sa Hongkong, isa sa walong sambahayan ang nag-eemploy ng isang migranteng domestic worker. Sa 370,000 na dokumentadong mga taong nagtatrabaho bilang domestic worker, mahigit na kalahati (51%) ang nagmula sa Pilipinas.
Sink of Swim (Lumubog o lumangoy)
VOICES OF WOMEN MEDIA (TINIG NG KABABAIHAN SA MEDIA)
Ito ay ilan lamang sa mga video na nabuo mula sa proyektong Visualizing the Voices of Migrant Women Workers, isang kolaborasyon sa pagitan ni Dr Vivian Wenli Lin mula sa Voice of Women Media at Dr Julie Ham mula sa Kagawaran ng Sociology sa Unibersidad ng HongKong.
Bilang bahagi ng proyektong ito, apatnapung (40) domestic workers, asylum seekers, refugees at ethnic minorities sa HongKong ang nakalahok sa isang serye ng walong participatory video workshops, na siyang naganap sa araw ng linggo sa pagitan ng Pebrero at Abril 2017.
Ang mga kalahok ay sinanay sa paggawa ng video, kabilang ang storyboarding, assembling crews, shooting, art direction, location scouting, sound production at editing. Ang tema ng apatnapu’t dalawang (42) minutong videos na ginawa ng mga kalahok ay ang kanilang karanasan sa pagdating sa bansang pagtatrabahuhan, panahon ng pahinga (time off), ugnayan at di pag-uugnayan at ang pang-araw-araw na reyalidad ng gawaing pantahanan.
NATHALIE DAGMANG
Portrait of an Aunt from the Overseas (Larawan ng isang tiyahin mula sa ibayong bayan)
Sa Pilipinas, ang OFW ay karaniwang nagiging malayong miyembro ng pamilya na kinikilala lamang sa pamamagitan ng kanyang mga regalo at sulat/cards.
Ang portrait na ito ay binuo mula sa pinag-tagpi-tagping birthday greeting cards na ipinadala sa akin taun-taon ng aking tiyahin na nagtatrabaho bilang isang nars sa Arizona, USA.
Inanyayahan ang mga bisita sa museo na magsulat ng isang postcard sa isang OFW at ihulog ito sa isang kahon na nakalaan para sa exhibition. Pagkatapos ay pinadala namin ang mga ito sa mga kalahok sa Hong Kong at London.