top of page

Curating Development

TUNGKOL SA PROYEKTO

top
Tungkol sa Proyekto

ABOUT

Ang Beyond Myself ay isang naglalakbay na eksibisyon na bunga ng mga arts-based workshops kasama ang mga Pilipinong migrante sa London at Hong Kong. Ang eksibisyon ay pinondohan ng Arts and Humanities Research Council, UK bilang bahagi ng proyektong Curating Development.

Ang proyekto ng Curating Development ay sinisiyasat ang mga mithiin ng mga migranteng Pilipino para sa kinabukasan nila at ng kanilang mga mahal na buhay sa Pilipinas. Binibigyang pansin dito ang mga likhang sining at imaheng biswal na nilikha sa gitna ng "participatory workshops" para sa mga migranteng naninirahan at naghahanap-buhay sa London at Hong Kong. Ang mga workshop na ito ay nagbigay daan sa participants (na karamiha's kinabibilangan ng care at domestic workers) upang mapag-nilayan ang samu't saring kahulugan ng kaunlaran, at ang kanilang ambag rito.

images_edited.jpg
Mga workshop
Mga babasahin

Deirdre McKay and Padmapani Perez

July 2019

 

An article on the ways Filipinos mobilise social media to cope with natural disasters. The article develops insights from our work on the circulation of digital images among Filipino migrants overseas.

Deirdre McKay

December 2017

A report on digital diasporas for the Australian Strategic Policy Institute.

Deirdre McKay

Routledge Handbook of Migration and Development

2019

 

An article on the Philippines-Hong Kong migration corridor in the Routledge Handbook of Migration and Development (2019).

Deirdre McKay

25th May 2017, The Conversation

An article based on the Curating Development research. It was republished by The Independent (UK and Singapore) and reached over 8,000 readers.

Care and Control in Asian Migrations

Mark Johnson
29 March, 2019, Ethnos: Journal of Anthropology

Beyond the ‘All Seeing Eye’

Mark Johnson, Maggy Lee, Mike McCahill & Ma. Rosalyn Mesina
29 March, 2019, Ethnos: Journal of Anthropology

Mga nasa likod ng proyekto
markjohnson.png
Mark Johnson

Si Mark Johnson ay isang propesor ng Antropolohiya, at dekano ng Graduate School ng Goldsmiths, University of London. Siya ang principal investigator at co-director ng mga proyektong UKRI GCRF GlobalGRACE at ng nakaraang Curating Development na pinondohan ng AHRC, at ng proyekto ng British Academy na nag-siyasat sa karanasan ng mga migrante sa ilalim ng masidhing pamamatyag ng kanilang mga employer at ng gobyerno ng Hong Kong. Mula pa noon ay kanya nang binigyang pansin sa kanyang pag-aaral ang kalagayan ng mga migranteng Pilipinong nasa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Ang kanyang research interests ay hinubog ng kanyang personal na karanasan, bilang siya ay lumaki sa Sulu at Zamboanga sa Timog Pilipinas. Magbasa nang higit pa >

maggy-lee.png
Maggy Lee

Si Maggy Lee ay isang propesor ng Kriminolohiya sa Unibersidad ng Hong Kong. Marami na siyang isinulat ukol sa sosyolohiya at kriminolohiya, lalo na patungkol sa migrasyon at human trafficking. Isa rin si Lee sa mga co-investigator ng AHRC Curating Development project, at sa British Academy project na nagsaliksik at sumiyasat sa karanasan ng mga migrante sa ilalim ng masidhing pamamatyag ng kanilang mga employer at ng gobyerno ng Hong Kong. Magbasa nang higit pa >

Gabriela Nicolescu.jpg
Gabriela Nicolescu

Si Gabriela Nicolescu ay isang Associate Lecturer ng antropolohiya sa Goldsmiths sa Unibersidad ng London, at isang post-doctoral researcher sa proyektong Curating Development na pinondohan ng AHRC. Tinutuunan niya ng pansin sa kanyang pag-aaral ang material culture, antropolohiyang biswal, at ang mga museo at eksibisyon sa kasalukuyan na tumatalakay sa antropolohiyang medikal, pulitika, ekonomiya, at sa mga pagbabago sa lipunan. Magbasa nang higit pa >

10648194_763869937026495_775585710476737
Nathalie Dagmang

Si Nathalie Dagmang ay isang artist na bahagi ng mga proyekto ng Curating Development, at nagtuturo sa Unibersidad ng Ateneo de Manila. Sa pamamaraang etnograpiko, siya ay nagsagawa ng mga proyekto sa isang komunidad sa tabing-ilog sa Marikina (ang syudad na kanyang pinagmulan), sa mga komunidad ng Overseas Filipino Workers sa UK, at kamakailan lamang, sa mga nangangalakal at sa mga kababaihang walang tirahan sa isang heritage street sa Manila. Ang kanyang mga obra ay naitampok na sa iba’t-ibang mga eksibisyon sa Pilipinas, Hong Kong, Singapore, Taiwan, at sa UK.  Magbasa nang higit pa >

Mga katuwang sa proyekto
kanlunganlogonew.png
Kanlungan

Ang Kanlungan ay isang charity na nakarehistro sa U.K. na binubuo ng anim na organisasyong nagtitipon para sa kapakanan at interes ng mga Pilipino sa Britanya. Matapos ang kanilang proyektong “Migrants Empowerment Project” mula 2013 hanggang Disyembre 2016, ikinalulugod ng Kanlungan maging bahagi ng Curating Development, kasama ang Filipino Domestic Workers Association UK; sa pag-organisa at pagsagawa ng workshops sa UK; at sa paghahanda para sa mga eksibisyon.

 

Ang Kanlungan Trustees na sina Susan Cueva at Rafael Joseph Maramag ang nagsilbing tulay ng proyekto sa organisasyon na ito. Si Susan ay isang founding member ng charity. Isa siyang National Officer ng UNISON, ang pinamalaking unyon ng pampublikong sektor sa UK na karamihan ay kinabibilangan ng mga Pilipino. Si Rafael naman ang kasalukuyang kalihim ng Kanlungan. Siya rin ay nagtuturo ng Tagalog at Espanyol sa SOAS sa Unibersidad ng London. Magbasa nang higit pa >

Logo_Enrich.png
Enrich

Ang Enrich ay ang pangunahing Hong Kong charity na naglalayong paunlarin ang economic empowerment ng migrant domestic workers, at ang nangangasiwa ng Curating Development sa parte ng Hong Kong. Dala ang kahusayan sa pananaliksik at pagsasanay, naging punong-gabay ang executive director ng Enrich na si Lucinda Pike sa pamamahala ng mga aktibidad sa Hong Kong. Magbasa nang higit pa >

Logo_ScalabriniMigrationCenter.png
Scalabrini Migration Center

Ang Scalabrini Migration Center (SMC) ay nakatuon sa pagtaguyod at pagpapa-unlad ng interdisciplinary study ng migrasyong internasyonal, lalo na sa tema ng migrasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko. Sa pamumuno ni Graziano Battistella, C.S., ang Scalabrini Migration Center ang nakatutok sa Curating Development sa Manila, kasama si Maruja M. B. Asis, ang direktor sa mga pananaliksik at mga akda ng SMC. Magbasa nang higit pa >

vargas.jpeg
Vargas Museum

Bilang sentro ng sining at kultura ng Pilipinas, nakatutok ang Jorge B. Vargas Museum at Filipiniana Research Center sa pag-aaral at pananaliksik, eksibisyon, at edukasyon. Sa pamamahala ni Prof. Patrick Flores, kinikilala ang museo bilang isa sa mga natatanging art repository sa bansa, sakop ang lawak ng pagkamalikhain sa Pilipinas mula 1880 hanggang sa kasalukuyan. Sa kolekyson nito ng samu’t-saring mga obra, layon ng Vargas Museum na lalong mapayaman ang pagpapahalaga sa pamana ng bansa, at ang ating kamalayan sa kasaysanan ng sining ng Pilipinas. Magbasa nang higit pa >

bottom of page