top of page

Beyond Myself

Ang Beyond Myself ay isang naglalakbay na exhibition na bunga ng proyektong Curating Development, na siyang pinondohan ng AHRC.

Ang eksibisyon ay nagbibigay-ilaw sa pamumuhunan at kontribusyon ng mga Pilipinong migrante sa kinabukasan ng Pilipinas

top
Strip 2

ay isang eksibisyong bunga ng mga arts-based workshops na nilahukan ng mga Pilipinong migrante. Karamihan sakanila ay mga kababaihan na nagtatrabaho sa London at sa Hong Kong.
 

Sa kasalukuyan, mayroong humigit 10 milyong mga Pilipino ang naninirahan at naghahanap-buhay sa ibang bansa. Ang mga kababaihang dayo sa ibang bansa ay kadalasang nagtatrabaho sa ilalim ng care sector. Sila ang mga nurse, care worker, care giver, yaya, at kasambahay.

Ambag ng mga migranteng Pilipino sa pag-unlad ng bansa ang kanilang mga pinapadalang salapi, kagamitan at ideya. Ang Beyond Myself ay tumatanaw sa kanilang mga kontribusyon.

Strip 3
BEYOND MYSELF

Carpalita B. Carag and Rowena E. Brioso

Pencil on paper

2017

Strip 4

Ang pamagat na ito ay hango sa isang larawang iginuhit ng isang Pinay na naninirahan sa Pilipinas para sa kaniyang kabiyak na isa sa mga kasapi sa workshops.

Ang dalawang kababaihan ay nagkakilala sa Hong Kong. Sila ay nagpasya na kailangang bumalik ng Pilipinas ang isa sa kanila, upang mapag-handaan ang kanilang napipintong pagsasama.

 

Ang mga salitang ‘beyond myself’ ay sumasalamin sa kanilang mga pangarap, ang lagay ng kanilang mga pamumuhay, ang bigat ng pangagailangan sa kani-kanilang mga oras, salapi, at iba pang pag-aari. Ito ay naglalarawan ng kanilang pagmamahalan, tibay ng loob, at determinasyong nagtawid sa kanila sa mahabang panahon ng pagkawalay sa isa't isa.

Strip 5

Dito sa virtual gallery, sa kaliwang tab, mabubuksan ang Afterlives kung saan makikita kung paano ipinagpatuloy ng mga participants ang naumpisahan ng Beyond Myself. Sa kanang tab naman, nakasaad sa Our Story ang kasaysayan ng proyekto, ang mga taong nagpatakbo nito, at ang proseso sa paglikha ng eksibisyon.

bottom of page